Sunday, January 23, 2011

Mga Modernong Kagamitan...

     Lahat ng kabutihan ay may kapalit na pagpapala.
     Sa isang liblib na pook, nakatira ang mag-anak ni Romy Alcaraz. Pagtatanim ng halaman ang ikinabubuhay nila. Isang araw, naglalakad ang kanyang anak na si Dexter papunta sa tuktok ng Bundok Banahaw. Nagulat siya nang may makita siyang isang bagay na parang nagsasalita. “Ring, Ring, Ring!!!” Biglang itong tumunog. Tinitigan niya ito at sa buong buhay niya ay noon lamang siya nakakita ng ganong uri ng bagay. Sa kanyang pagkamangha, natukso siyang pulutin ito. At muli itong tumunog. Hindi niya malaman ang gagawin dito. “Bakit kaya may mga numero at titik pa ito? Paano ba ito?”, wika ni Dexter. Inatuhan niya itong pindutin at biglang may nagsalita. Natakot siya, ngunit  nagsusumamo ang nagsasalita, “Parang awa mo na, sumagot ka. Nasaan ka ba?” “Ah, eh sino po ba ito? Bakit po ba?”, sagot ni Dexter. “Ako ang nanay mo. Ilang oras na akong tumatawag pero di ka sumasagot. Ano ba ang nangyari sa iyo?”, muling pananambitan ng nagsasalita. “Eh ano po ba ang pangalan ng anak ninyo?”, muling sagot ni Dexter. “Daryll. Hindi ba ikaw ito?” wika ng nagsasalita. “Naku, hindi po. Si Dexter po ako. Nandito po ako sa amin, sa paanan ng Bundok Banahaw. Napulot ko lamang po itong munting bagay na ito na nagsasalita. Ano po ba ito?”, sambit ni Dexter. “Naku, cellphone ang tawag diyan. Nasaan kaya ang ank ko?”, tanong naman ng kausap niya. “Sige po, ipagbibigay-alam ko po sa aming Kapitan.”, sabi niya.
     
     “Magandang araw po Kapitan. May napulot po akong isang bagay sa aking paglalakad sa bundok. May nakausap po akong isang ina na naghahanap ng anak na nagmamay-ari ng bagay na ito na ang tawag raw po ay cellphone.”, pagsasalaysay ni Dexter. Pumasok sila sa loob ng opisina ng barangay. May nakita siyang isang kuwadradong bagay kung saan may mga taong naglalakad. Tinitigan niya ang mga taong sa tingin niya ay naglalakbay. Ilang sandali lamang, ay may napansin sila ni Kapitan na isang tineydyer na napawalay sa karamihan na animo’y may hinahanap. “Ah! Siguro ay siya ang may ari ng cellphone na ito.”, sabi ng Kapitan. “Sige intayin mo at papupuntahan ko sa mga Barangay Tanod ang batang ito.”, dugtong pa nito. Naupo si Dexter at pinagmasdang mabuti ang mga taong umaakyat nh kabundukan. Nagtanong si Dexter, “Kapitan, ano po ba ang tawag diyan?” “Ah, iho, ito ang monitor na talagang kailangan dito sa ating lugar. Sa panahon ngayon, parami ng parami ang mga taong umaakyat ng bundok. Mapanganib para sa ibang mga manlalakbay na ngayon lamang nakararating sa lugar na ito kaya’t kailangan natin silang masubaybayan.”, sagot ng Kapitan. Kung may maligaw man sa kagubatan ay madali na siyang makikita dahil sa modernong bagay na ito.”, dagdag pa niya.

     “Ano ba ang pangalan ng mga magulang mo?”, tanong ni Kapitan. Sumagot si Dexter, “Romy at Maria Alcaraz po.” “Ah, si Romy ang tatay mo? Kaibigan ko siya. Nanghihinayang ako at hindi kayo mapag-aral ni Romy. At dahil sa nakita ko na malaki ang interes mong matuto, papuntahin mo dito ang tatay mo. Pag-uusapan namin na pag-aaralin kita ng libre na hindi ka na aalis sa ating lugar gamit ang bagay na ito”, tinuro ni Kapitan ang isang kompyuter. “Maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong makapag-aral, tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob.”, tugon ni Dexter.

     Bago matapos ang araw ay natagpuan na si Daryll at nakauwi na siya sa kanila. Naging magkaibigan sila ni Dexter. At nang si Dexter ay makapagtapos ng pag-aaral, siya ay naging isang matagumpay na Computer Engineer.

No comments:

Post a Comment